|
nalilito ako. di ko alam kung saan, paano ako magsisimula o pano ako gagalaw. nag aantay pako sa result ng prc. gusto ko ng magtrabaho pero di ko alam kung papatulan ko yung offer ni auntie perla na mag masteral sa australia. mahaba habang proseso pa yun at kelangan ko pa ipasa ang ielts. good luck saken. habang bum ako ang dami kong plano, ang dami kong gustong puntahan, ang dami kong gustong gawin, ang sarap lang mangarap. ang sarap parin talaga ng buhay estudyante, gigising ng maaga, hiohingi ng allowance at papasok sa klase at magpapanggap na nakikinig ka sa titser mo. namimiss ko na mga kulitan ng mga kaibigan ko lalo na at ang ugali naming mag antayan tuwing lunch. ngayon iba na.. m,ay mga kanya kanya na kaming buhay, may gustong ipagpatuloy ang propesyon nya, meron naman sumuko na at ibang landas ang gustong tahakin. meron namang nanay na, at meron namang hindi halos makontak. ang sarap isipin na nagtatrabaho ako at binibigay ang pinagkakitaan sa nanay ko. hindi mo maipipinta ang mga ngiti sa muka nya pag nangyare yun. gusto ko mag australia pero matagal tagal pa. sa ngayon kelangan ko ng matinding prayers :)
| ||